Thursday, March 19, 2009

maki-BIDA ka naman

Nung bata pa ako, pinangarap ko ang maging isang superhero. Nung medyo lumaki-laki na ako, napagtanto kong wala palang taong lumilipad o taong nakakagawa ng apoy at yelo o taong nagiging imbinsibol. Kaya naman pag-aartista na lang ang hinangad ko. Pero kung magiging artista man ako, syempre gusto ko ako 'yung BIDA.

Kanina lang, nilapitan ako ng kapatid ko at sinabing pwede nang matupad ang pangarap ko. Wow, makakapag-artista na ako. Yahu! Asa! Hindi pag-aartista syempre pero pagiging BIDA.

Sa sabado, Marso 21, gaganapin ang Marcha laban sa droga. Tinatayang isang milyong katao ang dadalo sa Grand Batang Iwas Droga (BIDA) March na pangungunahan ng no less than Her Excellency Madaam President Gloria Macapagal-Arroyo (finally, makikita ko na si GMA!).

Layunin ng programang ito na ipaalam sa buong mundo na ang Pilipinas bilang isang nasyon ay kontra sa droga. At hindi lang 'yan. Nilalayon din ng programang ito na maitala ang Pilipinas bilang pinakaunang nasyon na magsasagawa ng pinkamalaking marcha laban sa droga. Guiness World Record lang naman ang tinatarget nila.

Let's make some noise. Nagiging casual na lang sa ibang tao ang pagda-drugs. Kailangan nating buhayin ang kaisipan ng ating mga kabataan, kababayan at ka-earthling na masama ang drugs. Sabi nga ni father sa homily nung Sunday, it's sad to know that people are slowly becoming tolerant to bad things. Na kapag may gumagawa ng masama, wala na tayong reaksyon dahil parang normal na lamang ito. Wag naman ganun, so stand up and be heard (or be seen). May magagawa pa tayo.

Kaya ano pang hinihintay mo. Join ka na! Be part of history. At pag naitala ang kaganapang ito sa Guiness World Record, pwede mo nang sabihin sa mga anak mo na naging parte ka ng momentous event na 'to.

Kung ikaw naman ay hindi makakadalo pero nagbabalak na gumala at dumaan sa Roxas Boulevard, kailangan mong malaman na isasara ang daan simula Buendia hanggang Padre Burgos simula 9AM onwards.

Btw, ang mga partisipantes ng Grand BIDA March ay magkakaroon ng libreng sakay sa MRT at LRT. O di ba, sosyal! Hehe.

Kung sasama kayo, sabihan niyo ako. Para naman may friendly-friends ako dun. Hehe. Hope to see you guys there!

photo taken from PAGCOR's site

For more info, check pagcor's site: Grand BIDA March eyes Guinness World Record

8 hirit naman u:

r-yo said...

wow! bida ka na pala! he he. tama yan! puksain ang bawal na droga!

Chyng said...

Attend ba tayo dito? What time? 8.30am pa out ko, buti Roxas lang yan! :D

wanderingcommuter said...

its just sad that we keep on making world records without considering we are already on the verge of falling from the one of the most educated people in asia.. sad!


hehehe... side dish lang. kailangan ko lang irant. such events should be done not because of the world....

jimbo said...

ilista mo na din ako jan ha?
tama yan in your own simple ways ipinaalam natin na galit tayo sa droga.

kaya anu pa hinihintay natin? MAKIBAKA, wag magbaboy laban sa droga! =)

onatdonuts said...

tama, puksain ang shabu, cocaine, heroin, mary jane, ketamil, EEEEE, cough syrup, pati rugby at solvent hahaha

naku, ngayon ko lang nalaman yan.

sayang ngayon pala yan, sayang at may trabaho ako ngayon hehe

jeklog said...

hehe. sayang di ako naka dalo dito,..ganda sanang photo op. thanx for sharing your thoughts. naka apekto pre. astig. I saw ur drive for civic responsibility, astig, koiong jologs. hehe. keep writing pre. invite mo ko pag may photo op. hehe. godbless and thanx sa pag visit sa site bro,.ingat.

.pOot! said...

galing naman.

Inkversified said...

nice cause